Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chavez, nag-signal ang driver ng tren nang papalapit ito sa MRT Santolan station.
At nang inspeksyunin, may maliit na sunog sa upuan sa section C ng train number 5.
Kinailangan na pababain ang mga pasahero upang agad na apulahin ang sunog.
Ang tren naman ay dinala sa MRT depot para ayusin.
Una nang sinabi ni Chavez na hindi na dapat ipagtaka ang araw-araw na aberya na naitatala sa MRT.
Ayon kay Chavez, hanggang ngayon ay wala pa ring mga piyesa para maging maayos ang kundisyon ng mga tren.
Bigo aniya ang maintenance provider na Busan Universal Rail Inc. O BURI na gawan ang remedyo ang mga piyesa.
Sinabi ni Chavez na mula noong unang quarter ng 2017 ay paulit-ulit na nakapagtala ng problema sa MRT gaya ng traction motors, sigballing at interlocking doors, subalit tila dedma ang BURI dahil hindi pa rin nabili ang mga piyesa.
Dagdag pa ng opisyal, tumaas ang insidente ng mga unloading incidents dahil hindi maiyos ang maintance ng MRT.
Aniya, hindi sinunod ng BURI ang kasunduan at sa katunayan hanggang ngayon ay hindi pa nao-overhaul ang mga bagon, na kung tutuusin ay matagal na dapat ginawa.
Sa Disyembre matatapos ang kontrata ng BURI subalit dalawang bagon pa lamang ang naaayos, gayung apatnapu’t tatlong bagon ang kailangang ma-overhaul.