Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang LPA ay huling namataan sa 930 kilometers East ng Alabat, Quezon.
Ayon sa PAGASA, maliit pa ang tsansa na mabuo bilang isang ganap na bagyo ang LPA.
Gayunman, apektado na ng extension ng LPA ang halos buong bansa.
Sa ngayon, sinabi ng PAGASA na ang Luzon partikular ang Bicol Region at ang Palawan ay makararanas ng maulap na papawirin at mga pag-ulan dahil sa nasabing LPA.
Ang nalalabing bahagi ng Luzon kamasa na ang Metro Manila ay makararanas lamang ng isolated na pag-ulan dahil sa thunderstorm.
MOST READ
LATEST STORIES