6 na mahistrado, tetestigo laban kay Sereno – Alvarez
Nakatakdang tumestigo ang anim pang mahistrado sa nakatakdang pagdinig kaugnay ng impeachment complaint na inihain laban kay Chief Justice Sereno.
Ito ang kampanteng ibinunyag ni Speaker Pantaleon Alvarez sa isang panayam.
Ani Alvarez, ang kagustuhan pa lamang ng mga mahistradong tumestigo laban sa pinuno ng kataas-taasang hukuman ay patunay lang sa mga anomalyang ginawa nito.
Minaliit din ni Alvarez ang pahayag ng tagapagsalita ni Sereno na si Carlo Cruz na hindi uusad ang impeachment complaint at maipagtatanggol ng punong mahistrado ang kanyang sarili.
Nauna nang sinabi ni Cruz na hindi sasapitin ni Sereno ang naging kapalaran ni dating Chief Justice Renato Corona na na-impeach matapos hindi ideklara ang ilang ari-arian sa kanyang State of Assets Liabilities and Net Worth.
Ayon kay Cruz, nakatakda namang sagutin ni CJ Sereno ang mga alegasyon sa impeachment complaint na inihain ni Atty. Lorenzo Gadon sa Sept. 25.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.