51 katao arestado sa police operations sa Pasay
Arestado ang limampu’t isang katao sa Pasay City matapos ang isinagawang Anti-Criminality Police Operation ng Pasay City Police, kasama ang iba’t ibang mga community precincts ng lungsod.
Sa isinagawang operasyon, dalawa ang arestado sa bisa ng warrant of arrest, at walo naman ang arestado dahil sa paglabag sa Anti Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, labingsiyam naman ang hinuli dahil sa paglabag sa city ordinance na nagbabawal sa mga kalalakihan na lumabas ng kanilang bahay nang walang damit pang-itaas, habang labing tatlo naman ang nahuli dahil sa pag-iinuman sa kalsada, at walo naman sa mga nahuli ay dahil sa paglabag sa batas trapiko.
Ayon kay Police Senior Superintendent Dionisio Bartolome, hepe ng Pasay City Police, dinala ang mga naarestong suspek sa Pasay City Police headquarters bago sumailalim ang mga ito sa inquest proceedings.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.