Meralco, magbabawas sa presyo ng kuryente

By Jay Dones September 07, 2015 - 07:54 PM

 

meralco-logoMagtatapyas ng P0.57 sentimo sa singil ng kanilang kuryente ang Manila Electric Company o Meralco para sa buwang ito ng Setyembre.

Dahil dito, para sa isang household na kumukonsumo ng nasa mahigit 200 kilowatthour bawat buwan, mababawasan ang kanilang bayarin ng hanggang sa P114 pesos.

Ayon kay Joe Zaldarriaga ng Meralco, ito na ang ika-pitong rate adjustment ng Meralco para sa taong ito.

Bunsod ng pinakahuling rate adjustment, bumaba na sa kabuuang P2.13 ang halaga ng ibinawas sa presyo ng kuryente ng mga customer ng Meralco sa loob ng limang buwan.

Bukod sa generation charge, bumaba rin ng P0.04 at P0.05 ang transmission charge at buwis ng naturang power company para sa buwang ito.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.