14-anyos na babae, patay dahil sa dengue sa Albay

By Angellic Jordan September 17, 2017 - 02:17 PM

Google map

Patay ang isang katorse anyos na babae sa probinsya ng Albay dahil sa sakit na dengue.

Isang linggong naka-confine ang biktimamg si Kyla Morada Velasco, isang residente sa Barangay Binitayan, Daraga, bago ito bawian ng buhay.

Ayon sa Department of Health regional office sa Bicol, si Kyla ang ikatlong kaso na namatay sa dengue sa naturang lugar mula January 1.

Samantala, sinabi ng DOH na bumaba ang bilang ng kaso ng dengue sa bansa nang 32 porsyento ngayong taon kumpara sa parehong buwan noong 2016.

TAGS: Albay, Bicol, Dengue, doh, Kyla Morada Velasco, Albay, Bicol, Dengue, doh, Kyla Morada Velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.