Duterte, Gascon, posible pang magkasundo – Rocamora
Ipinayo ng isang mambabatas na dapat mag-usap sina Pangulong Rodrigo Duterte at Commission on Human Rights’ Chair Chito Gascon kaugnay sa mga isyu.
Ayon kay Siquijor Rep. Ramon Rocamora, posible pang magkasundo sina Duterte at Gascon kung parehong bukas at bukal sa loob na makapag-ayos.
Sa kabila nito, ikinadismaya ng mambabatas ang naging pahayag ng pangulo kung pedophile umano ang CHR chair sa isang talumpati sa Davao City.
Giit naman ni Gascon, “unfortunate” ang pagbibitaw ng masasakit na salita ni Duterte laban sa kaniya.
Aniya pa, magkaiba man ang kanilang posisyon, umaasa siyang makikita ito bilang pagbabantay sa ngalan ng balanseng sistema ng demokrasya ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.