Nailigtas ang dalawang bihag sa limang oras na bakbakan ng teroristang grupo at militar bandang alas onse, Sabado ng gabi.
Sa isang pahayag, sinabi ni AFP Chief of Staff Eduardo Año na patuloy na napapahina ng militar ang pwersa ng Maute sa pamamagitan ng pagbawi ng mga nasakop na lugar.
Nakilala ng mga otoridad ang isang bihag ngunit itinanggi munang isiwalat ang pagkakakilanlan nito.
Batay naman sa Facebook post ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, sinabi aniya ni dating Iligan City Mayor Franklin Quijano na kasama si Fr. Chito Suganob sa mga narescue na bihag.
Samantala, apat na sundalo ang sugatan sa naturang sagupaan habang inaalam pa ng otoridad ang bilang sa kampo ng teroristang grupo.