2 bihag ng Maute group, nakatakas sa Marawi City

By Angellic Jordan September 17, 2017 - 10:02 AM

Nakatakas ang dalawang bihag ng ISIS-inspired Maute Group matapos salakayin ng tropa ng pamahalaan ang Bato Mosque at Amaitul Islamiya Marawi Foundation (JIMF) building sa Marawi City.

Nailigtas ang dalawang bihag sa limang oras na bakbakan ng teroristang grupo at militar bandang alas onse, Sabado ng gabi.

Sa isang pahayag, sinabi ni AFP Chief of Staff Eduardo Año na patuloy na napapahina ng militar ang pwersa ng Maute sa pamamagitan ng pagbawi ng mga nasakop na lugar.

Nakilala ng mga otoridad ang isang bihag ngunit itinanggi munang isiwalat ang pagkakakilanlan nito.

Batay naman sa Facebook post ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, sinabi aniya ni dating Iligan City Mayor Franklin Quijano na kasama si Fr. Chito Suganob sa mga narescue na bihag.

Samantala, apat na sundalo ang sugatan sa naturang sagupaan habang inaalam pa ng otoridad ang bilang sa kampo ng teroristang grupo.

TAGS: Bato Mosque, Fr. Chito Suganob, Jesus Dureza, JIMF building, marawi, Maute Group, Bato Mosque, Fr. Chito Suganob, Jesus Dureza, JIMF building, marawi, Maute Group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.