Trillanes, itinanggi ang alegasyong kumita ng pera sa China talks
Itinanggi ni Senador Antonio Trillanes IV ang alegasyong kumita siya ng pera matapos makipag-negosasyon sa ilang Chinese officials sa panahon ng administrasyong Aquino.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, nakalikom ng pera ang senador sa mga negosasyon bilang back-channel negotiator at nagbukas pa umano ito ng bank accounts sa Singapore at Switzerland.
Paliwanag naman ni Trillanes, layunin lang nito na mabawasan ang namumuong tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea.
Samantala, isiniwalat din ng pangulo na ginamit ni Trillanes ang pangalang Antonio Trillanes, Trillanes Jr., the second at the third para maitanggi ang pag-aari sa mga bank accounts.
Giit naman ni Trillanes, imposibleng sa kaniya ang mga bank accounts kung walang nakalagay na ‘IV’ sa pangalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.