Miss World Philippines, sumakay ng MRT

Courtesy: Laura Lehmann Instagram

Bagaman itinanghal na Miss World Philippines, nananatili pa ring nakatapak sa lupa ang mga paa ni Laura Lehmann.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Lehmann ang kanyang pagsakay sa MRT para makaiwas sa Friday payday traffic ng Metro Manila.

Makikita sa post na siksikan ang loob ng MRT at maging ang beauty queen ay kasama sa mga nakatayo sa loob ng tren.

Caption ng naturang post ang “GRABEEEE KA PO, EDSA. 4 events. Friday night. MRT nalang po ako. Happy happy heartstrong nalang tayo okay??”

Kakatawanin ni Lehmann ang Pilipinas sa Miss World 2017 na gaganapin sa China sa November 18, 2017.

Read more...