Ayon sa mga saksi, kumakain sa isang canteen sa Mabini Street, Barangay 12, Caloocan si PO2 John Paul Dela Fuente na isang pulis-Maynila nang kumuha ang isang Danny Sta. Maria ng toothpick mula sa mesang kinakainan ng pulis.
Nagalit umano ito dahil nabastos siya ni Sta. Maria. Humingi umano ng dispensa si Sta. Maria, ngunit sinigawan pa rin ito ng pulis.
Dito na sinagot at sinuntok ni Sta. Maria si Dela Fuente na gumanti rin ng suntok. Mabuti na lamang at naawat ng mga tao ang dalawa.
Nag-usap pa ang dalawa bago umalis si Sta. Maria at pumunta sa kalapit na simbahan. Bumalik umano ito sa naturang kainan, at kasama na ang isa pang pulis na si SPO1 Rommel Bautista ng Caloocan Police.
Base sa imbestigasyon, si Dela Fuente ang naunang bumunot ng baril kaya nagsimula ang pagbabarilan.
Ngunit ayon sa mga saksi, si Bautista ang unang nagpaputok.
Umabot sa labingtatlong basyo ng bala ang narekober sa lugar.
Agad namang naisugod sa Caloocan City Medical Center si Bautista na nagtamo ng sugat sa kanyang hita.