Missile tests ng North Korea, tatalakayin ng ASEAN Ministers

Nakatakdang pulungin ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang kanyang mga counterparts sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang talakayin ang serye ng missile tests ng North Korea.

Sa isang pahayag, sinabi ni Cayetano na isinasaalang-alang ang kaligtasan ng 242,000 na Pilipino na nasa Japan ngayon na maaaring maapektuhan ng mga pagkilos ng NoKor.

Anya, mahigpit nang minomonitor ng Philippine Embassy sa Tokyo ang sitwasyon at regular na nagbibigay ng impormasyon sa mga Pilipino doon.

Ang pinakahuling missile test ng North Korea ay lumipad sa himpapawid ng Japan bago bumagsak sa karagatan.

Nasa New York ngayon si Cayetano para dumalo sa United Nations General Assembly sa susunod na linggo.

Gagamitin niya anya ang pagkakataon upang kumonsulta sa ibang ASEAN foreign ministers kung paano makakatulong ang samahan para pahupain ang tensyon sa Korean Peninsula at sa buong rehiyon.

Samantala, nanawagan naman si Cayetano sa North Korea na ihinto ang mga mapanganib na aksyon at bumalik sa negotiating table.

Read more...