AFP Chief of Staff Gen. Año, inihahanda na ang listahan ng mga pwedeng humalili sa kanya

By Rhommel Balasbas September 17, 2017 - 03:59 AM

Inihahanda na ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Año ang listahan ng mga posibleng humalili sa kanya na ibibigay niya kay Pangulong Duterte upang pagpilian.

Nakatakda na kasing magretiro ang heneral sa pwesto sa October 26.

Ayon kay Año, nakatakda siyang magrekomenda ng tatlong pangalan sa pangulo.

Tumanggi naman siyang sabihin kung sino ang mga ito ngunit tiniyak na ang kanyang mga kandidato ay 3-star rank.

Naniniwala naman si Año na matatapos ang gulo sa Marawi bago siya magretiro.

Nauna na ngang sinabi ni Pangulong Duterte na nais niya sanang gawing opisyal ng Department of Interior and Local Government si Año ngunit ipinagpaliban ito upang maresolba ang kaguluhan sa Marawi.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kung siya ay papapiliin ay gugustuhin niyang mapahaba pa ang panunungkulan ni Año sa AFP.

Habang hinihintay ang 1-year ban ng retired military officers na maitalaga sa mga secretarial positions sa gobyerno, pansamantala munang itatalaga si Año bilang executive assistant ni Duterte sa DILG.

TAGS: AFP Chief of Staff General Eduardo Año, Defense Secretary Delfin Lorenzana, retirement, rmed Forces of the Philippines, AFP Chief of Staff General Eduardo Año, Defense Secretary Delfin Lorenzana, retirement, rmed Forces of the Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.