Isang 18-anyos na lalaki na iniuugnay sa London bombing, naaresto

By Rhommel Balasbas September 17, 2017 - 03:46 AM

Naaresto ang isang 18-anyos na lalaki na hinihinalang may kaugnayan sa pambobomba sa Parsons Green Tube.

Ayon kay Senior National Cooordinator for Counter-terrorism Police Neil Basu, naaresto ang suspek sa departure area ng Port of Dover.

Iniutos ang partial evacuation sa pantalan habang isinasagawa ang search operations sa lugar.

Nasa kustodiya ng London Police station ang suspek sa kasalukuyan.

Samantala, nananatili sa “critical” ang alert level sa United Kingdom kasunod ng pag-aresto sa hinihinalang suspek.

Isa pang hiwalay na search operations ang isinagawa sa mga kabahayan sa Sunbury-on-Thames.

Dahil dito, isinara ang mga kalsada at iniutos ang paglikas ng mga residente.

TAGS: London bombing, Parsons Green Tube, suspect arrested, united kingdom, London bombing, Parsons Green Tube, suspect arrested, united kingdom

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.