Tatlong tao, arestado sa Tondo, Maynila

By Justinne Punsalang September 17, 2017 - 03:36 AM

Arestado ang tatlong katao sa isinagawang Anti-Criminality Operation ng Manila Police Community Precinct Station 7 sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga naaresto na sina Alejandro Basilio, animnaput isang taong gulang; Robin Barcelona, tatlumput pitong taong gulang; at Rodora Nicodemus, apatnaput taong gulang na pawang mga residente ng Tondo.

Ayon kay Superintendent Alex Daniel, isinagawa ang operasyon sa Isabelo Delos Reyes Street sa Tondo matapos nilang makatanggap ng reklamo tungkol sa ginagawang illegal gambling sa naturang lugar.

Pagrespunde ng kapulisan ay nahuli nila sa akto ang tatlong mga suspek sa gitna ng paglalaro ng tong-its.

Nang kapkapan ang mga ito ay nasabat sa kanila ang pitong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na labing tatlong gramo.

Dadalhin ang mga suspek sa Station Drug Enforcement Unit.

Haharap ang mga ito sa magkapatong na kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 at Illegal Gambling.

 

TAGS: Anti-Criminality Operation, manila police, Anti-Criminality Operation, manila police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.