Kinlala ang mga suspek na sina Loni Salvador, Edgardo Lim, Norberto Patiño Jr., at Wendy Tiogson.
Ayon kay Superintendent Danilo Mendoza na siyang QCPD Station 3 Commander, isinagawa nila ang naturang oprasyon sa isang barung-barong sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City.
Aniya, nagpanggap silang buyer ng iligal na droga mula sa mga suspek.
Matapos ang transaksyon ay dito na nila hinuli ang apat.
Nasabat mula sa mga ito ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at iba pang mga drug paraphernalia.
Kakasuhan ang apat na mga suspek ng paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.