Extradition ng suspek sa Aika Mojica murder case, inaayos na
Magsusumite ang Department of Justice ng extradition request sa Amerika para hilingin ang pagbalik sa Pilipinas ng suspek sa panggagahasa at pagpatay kay Aika Mojica sa San Felipe, Zambales noong Hulyo.
Ang mga otoridad sa Amerika ang umaresto kay Jonathan Dwayne Vianne, isang Filipino-American, nito lamang Biyernes, sa bisa na rin ng kahilingan ng Pilipinas.
Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na August 20, nang hilingin ang provisional arrest kay Vianne matapos matukoy ang kinaroroonan nito sa Iowa.
Matapos maaresto noong September 4, may 60 araw lamang ang gobyerno ng Pilipinas mula nang maaresto si Vianne para magsumite ng full extradition request.
Magugunitang umalis ng bansa si Vianne isang araw lang matapos matagpuang patay si Mojica sa isang dike sa Sto. Tomas River sa San Felipe, Zambales.
Si Vianne ay sinampahan na ng reklamong murder sa Olongapo Prosecutor’s Office.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.