Pangulong Rodrigo Duterte, nakipagpulong kay MNLF founding Chair Nur Misuari
Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte kay Moro National Liberation Front founding cahirman Nur Misuari at Presidential Peace Adviser Jesus Dureza at Matina Enclaves sa Davao City.
Sa naturang pagpupulong ay pinag-usapan nila ang plano ng pamahalaan sa proposed Bangsamoro region at ang pagsusulong ng pederalismo para sa bansa.
Ayon kay Dureza, napag-usapan nila ang closer coordination sa MNLF upang masawata ang mga extremist elements.
Sinabi rin ni Dureza na mayroon mga concern si Misuari, ngunit hindi niya ito inilahad. Aniya, mananatiling confidential ang mga ito.
Samantala, noong Huwebes ay ipinakita naman ng pangulo ang BBL game plan sa Moro Islamic Liberation Front.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.