50 bilyong piso, hindi sapat para ma-rehabilitate ang Marawi
Kulang ang limampung bilyong piso para sa rehabilitasyon ng Marawi.
Ito ang pahayag ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Aniya, hindi sapat ang limampung bilyong piso dahil sa laki ng pinsala dulot ng nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at ng mga ISIS-inspired Maute sa Marawi City.
Nilinaw naman ni Lorenzana na tanging inisyal na assessment lamang niya ang naturang halaga at sa pagbabalik nila sa Marawi noong nakaraang linggo ay nakita niya na hindi pala sasapat ang limampung bilyon.
Ani Lorenzana, mayroon nang postconflict assessment group na iniinspeksyon ang mga cleared areas sa naturang lungsod para matingnan ang laki ng pinsala. Kasama sa assessment group ang mga miyembro ng Philippine Army at ng Department of Public Works and Highways.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.