NCRPO, nakahanda na para sa gagawing kilos protesta sa September 21

Sinigurado ni National Capital Region Police Office Chief Director General Oscar Albayalde na nakahanda na ang kapulisan para sa isasagawang kilos protesta sa Metro Manila sa September 21. Ani Albayalde, mayroong sapat ng bilang ang kapulisan ng NCRPO na ipapakalat para ma-secure at mapanatili ang peace and order sa kasagsagan ng mga gagawing kilos protesta, bilang pag-alala sa 45th anniversary ng pagdedeklara ng batas militar ni dating pangulong Ferdinand Marcos. Ayon kay Albayalde, hindi pa tiyak ang NCRPO sa posibleng bilang ng mga taong dadalo sa mga rally. Ngunit aniya, sigurado siya na dadalo ang mga lumad na nasa Quezon City. Samantala, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng suspindihin ang government work, maging ang mga klase sa mga paaralan sa naturang araw.

Read more...