Presyo ng produktong petrolyo, posibleng matapyasan sa darating na linggo

By Justinne Punsalang September 16, 2017 - 11:30 PM
Matapos ang ilang linggong sunud-sunod na pagdadagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo, mabibigyan ng kaunting ginhawa ang mga motorista dahil may posibilidad na mabawasan ang halaga nito o kung hindi man ay mananatili ang kasalukuyan nitong presyo. Base sa oil price monitoring sa world market, mababawasan ng five centavos ang halaga ng imported na gasolina, habang hindi naman umabot sa five centavos ang iminahal sa presyo ng diesel at kerosene. Kaya naman posibleng bumaba ng kapiranggot ang halaga ng mga produktong petrolyo sa halagang five centavos. Ngunit posible ring manatili sa kasalukuyang halaga ang gasolina, diesel, at kerosene. Matatandaang nitong linggo ay humirit na ang ilang mga transport groups na magkaroon ng pagtataas sa halaga ng minimum na pamasahe sa sampung piso dahil sa walong linggong sunod-sunod na pagtataas presyo sa halaga ng diesel.

TAGS: diesel, oil companies, oil price hike, presyong petrolyo, diesel, oil companies, oil price hike, presyong petrolyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.