Mga kritiko hinamon ni Duterte na tapusin ang gulo sa Marawi City
“Masama ba kay Allah na mag-seek ng shelter sa kanyang house so that you will not die”?
Yan ang tanong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kritiko na nagsabing binastos ng pangulo ang mga Muslim nang pumasok siya sa isang Mosque sa Marawi City na may suot na sapatos kamakailan.
Sinabi ng pangulo na umuulan ng bala sa kanilang kinalalagyan noong mga oras na iyun kaya nagpasya ang mga tauhan ng militar na magtago pansamantala sa loob ng isang Mosque.
Bukod sa maraming bugbog sanhi ng mga basag na salamin at nagkalat rin daw ang mga durog na bato sa lugar.
“Hindi ako nagpunta sa Marawi City para pumasok sa Mosque kundi tinngnan ang tunay na sitwasyon doon”, ayon sa pangulo.
Hinamon rin niya ang kanyang mga kritiko na kung talaganang matapang ang mga ito ay sila ang pumunta sa Marawi City at tingnan ang tunay na sitwasyon doon.
Base sa kanyang inisyal na assessment, kahit umabot umano sa P50 Billion ang hawak na pondo ay kakapusin para sa rehabilitasyon ng kabuuan ng lungsod.
Nauna nang sinabi ng pangulo na matatapos na ang gulo sa Marawi City bago magpasko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.