Peace talk muling uusad kung gugustuhin ng CPP-NPA ayon kay Duterte

By Den Macaranas September 16, 2017 - 07:13 PM

Inquirer file photo

Ipinasa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Democratic Front (NDFP) ang bola kaugnay sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa makakaliwang grupo.

Pinasalamatan rin ng pangulo ang mga miyembro ng New People’s Army sa pagpapalaya kay SPO2 George Canete Rupinta.

Si Rupinta ay nakausap ng pangulo kanina sa Matina Enclave sa Davao City kung saan ay kanyang sinabi na naging maayos naman ang pagtrato sa kanyang ng mga miyembro ng NPA.

Ang nasabing pulis ay dinukot ng mga rebelde sa Brgy. Langka, Lupon sa Davao City noong nakalipas na June 9.

Sa kanyang pagharap sa media, sinabi ng pangulo na depende sa magiging galaw ng mga rebelde kung uusad ba o hindi ang peace talks.

Kapag itinigil ng mga rebelde ang kanilang pagsalakay sa mga government installations ay posible umanong mabuksan muli ang usapang pangkapayapaan.

Ipinaliwanag rin ng pangulo na hindi siya ang dapat sisihin sa nangyaring setback sa peace talks dahil pag-upo pa lamang niya bilang pangulo ng bansa ay marami na siyang naibigay na pabor sa NDFP bilang bahagi ng confidence building measure.

Isa umano sa mga hakbang na ginawa ay ang pagtatalaga ng mga makakaliwang miyembro sa kanyang pamahalaan.

Hindi rin umano siya dapat sisihin dahil hindi lamang naman siya ang pinuno ng bansa dahil kailangan ring bigyan ng timbang ang sasabihin ng Kongreso at ng Supreme Court.

TAGS: CPP, duterte, ndfp, NPA, peace talks, CPP, duterte, ndfp, NPA, peace talks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.