Caloocan City bukas para sa mga police volunteers ayon sa NCRPO
Naghahanap ang liderato ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ng mga police volunteers na itatalaga sa Caloocan City.
Sinabi ni NCRPO Director Oscar Albayalde na bukas ang posisyon sa nasabing lungsod para sa sinumang kasapi ng PNP maging iyung mga nasa lalawigan.
Ipinaliwanag rin ng opisyal na mahigpit ang naging tagubilin sa kanya ni PNP Chief Ronald dela Rosa na dapat ay dumaan sa masusing background check ang mga pulis na itatalaga sa nasabing lungsod.
Sa kasalukuyan ay tanging ang bagong talagang hepe ng pulisya sa lungsod na si SSupt. Jemar Modequillo at ang kanyang deputy na si C/Insp. Ilustre Mendoza ang naiwan sa Caloocan City Police Station.
Ito ay makaraang sibakin sa kani-kanilang mga pwesto ang mahigit sa 1,000 mga pulis sa lungsod.
Ang nasabing pagsibak ay makaraang masangkot sa mga kaso ng pagpatay sa ilang mga menor-de-edad at nakawan ang mga pulis na nakatalaga doon.
Tiniyak rin ng opisyal ng NCRPO na dadaan sa mahigpit na re-training ang mga sinibak na pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.