PAO: Si Michael Angelo Remecio ang bangkay na natagpuan sa basurahan sa Bulacan

Kinumpirma ng mga forensic experts mula sa Public Attorney’s Office na katawan ng 16-anyos na si Michael Angelo Remecio ang bangkay na natagpuan sa isang basurahan sa San Jose City sa Bulacan.

Kaagad ding sinabi ng mga magulang ni Remecio na ang anak nga nila na nawawala ang natagpuang bangkay dahil sa suot nito na damit.

Sinabi ng ama ng biktima na si Dionisio Remecio na kahit paano ay gumaan ang kanilang loob at natagpuan na ang kanilang nawawalang anak pero isa na itong malamig na bangkay.

Ang biktima ay huling nakitang buhay noong gabi ng August 25 sa Brgy. 176 sa Bagong Silang, Caloocan City na namamasada ng kanyang tricycle.

Nauna nang sinabi ng mga mabulang ni Angelo na may ilang grupo daw ang humihikayat sa kanya na maging miyembro ng kanilang fraternity pero hindi nila ito nakumbinsi.

Bago nawala ang biktima ay nagawa pa nitong kausapin ang kanyang kasintahan at sinabing ingatan nito ang kanyang sarili.

Blangko naman ang mga tauhan ng San Jose City PNP sa kung ano ang motibo sa pagpatay sa biktima na may mga tama ng saksak sa kanyang katawan.

Wala pa ring lead ang mga pulis kung sino ang nasa likod ng nasabing krimen.

Read more...