Ex-Sen. Jinggoy Estrada lalabas na sa kulungan ngayong araw

By Den Macaranas September 16, 2017 - 10:46 AM

Pasado alas-nueve ng umaga kanina nang dumating sa gusali ng Sandiganbayan si Atty. Alexis Suarez dala ang P1.33 Million na pambayad sa piyansa ng kanyang kliyente na si dating Sen. Jinggoy Estrada.

Sinabi ni Suarez na makaraan ang pagbabayad ng kaukulang piyansa ay bibigyan sila ng release order ng hukuman na kanila namang dadalhin sa PNP Custodial Center sa Camp Crame kung saan nakakulong si Estrada dahil sa kasong plunder at graft.

Sa kabuuan ay P1 Million ang ibinayad na piyansa ni Estrada para sa kasong plunder makaraang pagbigyan ang inihain niyang motion for bail.

Umaabot naman sa kabuuang P330,000 ang kanyang piyansa para sa 11 counts ng kasong graft.

Si Estrada ay nakakulong sa Camp Crame mula pa noong 2014 makaraan siyang kasuhan kaugnay sa umano’y kickbacks sa kanyang mga ipinasok na transaksyon sa ilang mga pekeng non-government organization ni Janet Lim-Napoles.

Sinabi ng asawa ni Estrada na si Precy na uuwi muna ang dating senador sa kanilang bahay sa Quezon City bago pumunta sa Manila City Hall para makasama sa pananghalian ang kanyang ama na si Mayor Joseph Estrada.

Mamayang hapon ay isang misa rin ang dadaluhan ng dating mambabatas na gaganapin sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City.

TAGS: Crame, Jinggoy Estrada, napoles, ngo, plunder, PNP, sandiganbayan, Crame, Jinggoy Estrada, napoles, ngo, plunder, PNP, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.