P2P bus service aabot na sa Clark, Pampanga

Radyo Inquirer

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsisimula ng operayon ng mga point-to-point (P2P) buses na may rutang Clark-Metro Manila.

Kasabay ito ng pag-aalis ng DOTr ng moratorium sa pag-iisyu ng prangkisa para sa provincial bus operations na ipinatupad dalawang dekada na ang nakalilipas.

Ayon sa pahayag ng DOTr, una nilang bubuksan ang ruta mula sa Clark International Airport hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan ay P350 ang magiging pamasahe.

Susundan ito ng P2P bus service na may byaheng Clark-Trinoma na may pamasaheng P250 at Clark-Ortigas na aabot naman sa P300 ang pamasahe.

Naunang inilunsad ang P2P project sa Edsa na may rutang North Edsa-Glorietta vice-versa kung saan ay pamasahe ay aabot sa P45.

Binuksan na rin ng DOTr ang P2P bus service na may rutang Glorietta-Nuvali sa lalawigan ng Laguna.

Read more...