Foreign aid para sa Marawi City, umabot na sa 2.1B piso

By Rhommel Balasbas September 16, 2017 - 05:16 AM

Umaabot na sa 2.1 billion pesos ang donasyon mula sa iba’t ibang foreign governments ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Sa isang pulong balitaan sa Malacañang, ibinunyag ni Lorenzana ang halaga ng bawat donasyon ng mga bansa na pinangungunahan ng Australia na nagbigay ng 1 billion pesos na foreign aid.

Sinundan ito ng United States na may 730 million pesos, Japan na may 100 million pesos, Thailand na nagbigay ng 100 million pesos, China 85 million pesos at European Eunion na nagpaabot ng 49 million pesos.

Bagamat nagbigay ang China ng kabuuang 85 million pesos, gagamitin ang 75 million pesos mula rito sa pagpapagamot sa mga sugatang sundalo dulot ng bakbakan.

Samantala, bukod sa donasyon na ibinigay ng Estados Unidos, nakatakda ring magsagawa ang militar ng Pilipinas at US ng isang inter-agency counterterrorism drill upang masubok at mahasa pa nang husto ang kakayahan ng dalawang bansa sa pagsupo sa terorismo.

Ayon sa pamahalaan, kakailanganin ang 50 billion pesos para sa rehabilitasyon ng buong lungsod ng Marawi.

 

TAGS: foreign aid, Marawi City, rehabilitation, Siege, war, foreign aid, Marawi City, rehabilitation, Siege, war

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.