Southern Leyte, may bagong gobernador

By Rhommel Balasbas September 16, 2017 - 02:14 AM

Google Maps

Itinalaga ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Vice Gov. Christopher “Coco” Yap bilang bagong gobernador ng Southern Leyte.

Ito ay kasunod ng pagtanggap ni Gov. Damian Mercado sa dismissal order ng Ombudsman.

Si Mercado ay dinismiss matapos ang maanomalyang pagbili ng mga government service vehicles noong siya ay nanunungkulan pa bilang mayor ng Maasin City.

Sa isang panayam, sinabi ni Mercado na personal siyang pumunta sa DILG upang tanggapin ang dismissal order para tapusin na ang mga ispekulasyon ukol sa isyu.

Tanggap niya anya ang desisyon ng Ombudsman kahit hindi ito pabor sa kanya.

Dagdag pa ni Mercado, kasama niya si Yap nang magpunta sa tanggapan ng DILG at agad itong itinalaga bilang kanyang kahalili.

Uupo naman bilang bise-gobernadora ng lalawigan si Jessica Escano Pano para punan ang pwesto na iiwan ni Yap.

 

TAGS: christopher yap, damian mercado, governor, ombudsman, southern leyte, christopher yap, damian mercado, governor, ombudsman, southern leyte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.