22 katao, sugatan sa pagsabog sa London Underground Train

By Rod Lagusad September 15, 2017 - 11:39 PM

Associated Press

Hindi bababa sa 22 katao ang sugatan matapos sumabog ang bomba sa London Underground Train kasabay ng morning rush hour sa lungsod.

Itinuturing ng pulisya ang naturang pagsabog bilang isang “terrorist incident”.

Ayon sa mga saksi, sila ay nakakakita ng “wall of fire” at mga pasaherong may facial burns na lumalabas sa Parsons Green Station sa West London matapos ang pagsabog.

Ayon sa London Ambulance Service, walang biktima ang nasa seryosong kalagayan.

Katuwang ng mga imbestigador ang  MI5 intelligence service.

Kaugnay nito, nagpahayag ng simpatiya si Prime Minister Theresa May sa mga nasugatan.

TAGS: Bombing, london, Parsons Green Station, subway, Terror attack, Bombing, london, Parsons Green Station, subway, Terror attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.