Pangulong Duterte, hindi dadalo sa UN General Assembly sa New York

Hindi dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations General Assembly ngayong Setyembre.

Sa isang statement, sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella na nabanggit na noon ng chief executive na babawasan niya ang kanyang foreign travels.

Ito’y para mas mabigyan ng pansin ang domestic concerns o suliranin sa bansa gaya ng rehabilitasyon ng Marawi City na matinding naapektuhan ng bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Maute terror group.

Mula nang sumiklab ang giyera sa Marawi City ay limitado na ang biyahe ni Duterte lalo na sa labas ng bansa. Ang 72nd UN General Assembly ay nag-convene na noong September 12, sa New York.

Pero ang general debate ay isasagawa sa September 17, habang magtatagal ang event hanggang September 25.

Read more...