Ipinagtanggol ng Malacañang ang listahan ng mga benipisyaryo ng CCT o Conditional Cash Transfer program.
Ginawa ito ni Communications Secretary Sonny Coloma bilang reaksyon sa hirit ni Vice President Jejomar Binay na lilinisin niya ang listahan ng CCT recipient kung mabibigyan ng pagkakataon.
Buwelta ni Coloma, base sa independiyenteng pag-aaral ng Asian Development Bank at World Bank, maliit na porsyento lamang ang tiwali o di karapat-dapat na benepisyaryo ng CCT.
Dagdag nito, sa kabuuan, mainam ang pangangasiwa ng DSWD dito ayon pa rin sa ADB at World Bank.
Una rito, sinabi ni Binay na oras na maging presidente siya, titiyakin niya na tanging ang mga tunay at karapat-dapat na benepisyaryo lamang ang makikinabang sa nasabing programa.