Sen. Jinggoy Estrada, pinayagang magpiyansa ng Sandiganbayan

By Alvin Barcelona, Isa Avendaño-Umali September 15, 2017 - 05:44 PM

 

 

Inquirer File Photo | LYN RILLON

Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang motion for bail ni dating Senador Jinggoy Estrada.

Pero batay sa impormasyon, sa botong 3-2 ay pinayagan ng Sandiganbayan 5th Division si Estrada na maglagak ng piyansa.

Ayon sa Sheriff’s office, na-promulgate na ang resolusyon sa pagpiyansa ni Estrada.

Gayunman, bukas (araw ng Sabado) na mailalagak ang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng dating mambabatas.

Bigo kasing maproseso ang bail dahil nagsara ang 5th division.

Ang misis ni Estrada na si Precy ang maglalagak ng piyansa para sa asawa bukas.

Batay sa impormasyon, nasa isang milyong piso ang piyansa para sa plunder case ni Estrada, habang P330,000 para sa labing isang counts ng graft.

Ang plunder na kinakaharap ni Estrada ay non-bailable.

Ang dating senador ay nakasuhan dahil sa pagtanggap umano ng kickbacks mula sa Pork Barrel na inilaan nito sa mga bogus NGOs ni Janet Lim Napoles.

 

TAGS: Jinggoy Estrada, Jinggoy Estrada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.