Sa isang statement, tinawag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na misleading o mapanlinlang ang header ng AFP at Inquirer.
Aniya, ang artikulo ay isang “tacky trick” upang makuha ang atensyon ng mga tao.
Sinabi ni Abella na malinaw ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na magdedeklara ang presidente ng batas militar kung dadalhin ng mga makakaliwa ang kanilang laban sa lansangan, maninira at magsusunog ng mg aria-arian at pasilidad, o aabalahin ang mga sibilyan.
Giit ni Abella, gaya ng sinabi ni Lorenzana ay malabo ang martial law declaration dahil walang sapat na pangangailangan para rito.
Apela na lamang ni Abella sa AFP at Inquirer maging sa iba pang media entity, maging responsable sa pagsusulat ng mga balita at paglalabas ng impormasyon.