Palasyo, binanatan ang Agence France Presse at Inquirer

By Isa Avendaño-Umali September 15, 2017 - 04:55 PM

 

Mariing inalmahan ng Malakanyang ang news headline partikular ng Agence France Presse at Inquirer kaugnay sa nationwide declaration ng martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang statement, tinawag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na misleading o mapanlinlang ang header ng AFP at Inquirer.

Aniya, ang artikulo ay isang “tacky trick” upang makuha ang atensyon ng mga tao.

Sinabi ni Abella na malinaw ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na magdedeklara ang presidente ng batas militar kung dadalhin ng mga makakaliwa ang kanilang laban sa lansangan, maninira at magsusunog ng mg aria-arian at pasilidad, o aabalahin ang mga sibilyan.

Giit ni Abella, gaya ng sinabi ni Lorenzana ay malabo ang martial law declaration dahil walang sapat na pangangailangan para rito.

Apela na lamang ni Abella sa AFP at Inquirer maging sa iba pang media entity, maging responsable sa pagsusulat ng mga balita at paglalabas ng impormasyon.

 

TAGS: Agence France Presse, inquirer, Agence France Presse, inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.