Ethics complaint ni Faeldon, minaliit nina Lacson at Trillanes

By Isa Avendaño-Umali September 15, 2017 - 04:02 PM

 

 

Minaliit nina Senador Panfilo Lacson at Antonio Trillanes IV ang isasampang ethics complaint ni dating Bureau of Customs o BOC commissioner Nicanor Faeldon.

Ayon kay Lacson, karapatan naman ng sinuman na maghain ng ethics complaint laban sa sinumang senador.

Sa katunayan, mismong si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon ang nagpayo kay Faeldon na maghain ng reklamo kung gusto nito.

Banat ni Lacson, may karapatan si Faeldon na mag-aksaya ng papel at tinta, at tiyak na mayroong pera ang former BOC chief para magbayad ng mg abogado kahit pa mistulang stupidity ang gagawin nito.

Sa panig naman ni Trillanes, tila hindi aniya nauubusan ng gimik si Faeldon.

Pero sa bandang huli, ani Trillanes, kailangan pa ring humarap si Faeldon sa Senate inquiry at sagutin ang lahat ng mga ipinupukol laban sa kanya.

Si Faeldon ay maghahain ng ethics complaint laban kina Lacson at Trillanes, dahil sa umano’y malisyosong pagdawit ng dalawang senador sa dating pinuno ng BOC sa nakalusot na 6.4 billion peso shabu shipment mula China at tara system sa ahensya.

 

 

TAGS: Antonio Trillanes IV, Nicanor Faeldon, Sen. Panfilo Lacson, Antonio Trillanes IV, Nicanor Faeldon, Sen. Panfilo Lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.