Pangulong Duterte, ikinukunsiderang gawin holiday ang September 21
Ikinukunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng holiday o suspensyon ng klase at trabaho sa gobyerno sa September 21.
Ito ay dahil sa nakaambang gulo kasabay ng 45th anniversary ng deklarasyon ng martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Kasado sa naturang petsa ang malawakang protesta laban sa war on drugs ng administrasyon at umano’y extra judicial killings.
Sa isang panayam ay sinabi ni Duterte na ngayon pa lang ay iuutos na niya na maging holiday ang September 21 para walang masaktan sa mga rally.
Wala anyang problema kung may demonstrasyon sa iba’t-ibang lugar pero mabuti na walang pasok sa eskwela at mga opisina ng pamahalaan para walang masaktan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.