Hindi na rin napigilan ni Tugade na mapamura nang pagsabihan niya si Orbos sa harap ni Public Works And Highways Sec. Mark Villar, iba pang DOTR officials at mga opisyal ng San Miguel Group, Metro Pacific Group At Ayala Group of Companies.
“I was really bothered if not alarmed by the statement of Usec. Orbos na put..g ina na naghabal-habal siya,” sabi ni Tugade, sa Memorandum of Agreement Signing Ceremony para sa Inter-Operability Of Toll Collection System.
Iginiit ng kalihim na bawal ang habal-habal o ang pag-upa ng motorsiklo na parang taxi.
Ipinunto pa ng opisyal na hindi rin niya kukunsintihin ang paggamit sa anumang DOTr event bilang rason para lumabag sa batas o gumawa ng mali.
“I don’t like it Mr. Orbos and we should not at all cost allow or encourage the use of habal-habal,” bilin pa ni Tugade sa kanyang opisyal.
Humingi naman ng paumanhin si Tugade sa mga nakarinig ng kanyang bilin sabay giit na dapat palaging isalang-alang ang mga isinusulong ng kanilang kagawaran.
Samantala, sa nabanggit na seremonya naman ay pinapurihan ni Tugade ang pagkakasundo ng toll operators na magkaroon ng ‘unified toll collection.’
Aniya, bunga nito ay magiging mas mabilis na ang pagbiyahe sa mga expressways dahil kailangan lang na isang beses kumuha ng entry ticket gayundin ang pagbabayad kahit gumamit ng ilang expressways.