DOTr Sec. Tugade, napamura sa pagsakay ng kanyang isang opisyal sa bawal na habal-habal

By Jan Escosio September 15, 2017 - 01:30 PM

 

Hindi na itinago ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang kanyang pagkadismaya nang inanunsiyo ni Transportation Undersecretary Tim Orbos sa isang official event ng kagawaran ang pagsakay nito sa habal-habal sa Taguig City.

Hindi na rin napigilan ni Tugade na mapamura nang pagsabihan niya si Orbos sa harap ni Public Works And Highways Sec. Mark Villar, iba pang DOTR officials at mga opisyal ng San Miguel Group, Metro Pacific Group At Ayala Group of Companies.

“I was really bothered if not alarmed by the statement of Usec. Orbos na put..g ina na naghabal-habal siya,” sabi ni Tugade, sa Memorandum of Agreement Signing Ceremony para sa Inter-Operability Of Toll Collection System.

Iginiit ng kalihim na bawal ang habal-habal o ang pag-upa ng motorsiklo na parang taxi.

Ipinunto pa ng opisyal na hindi rin niya kukunsintihin ang paggamit sa anumang DOTr event bilang rason para lumabag sa batas o gumawa ng mali.

“I don’t like it Mr. Orbos and we should not at all cost allow or encourage the use of habal-habal,” bilin pa ni Tugade sa kanyang opisyal.

Humingi naman ng paumanhin si Tugade sa mga nakarinig ng kanyang bilin sabay giit na dapat palaging isalang-alang ang mga isinusulong ng kanilang kagawaran.

Samantala, sa nabanggit na seremonya naman ay pinapurihan ni Tugade ang pagkakasundo ng toll operators na magkaroon ng ‘unified toll collection.’

Aniya, bunga nito ay magiging mas mabilis na ang pagbiyahe sa mga expressways dahil kailangan lang na isang beses kumuha ng entry ticket gayundin ang pagbabayad kahit gumamit ng ilang expressways.

TAGS: DOTr Sec. Arthur Tugade, MMDA Gen. Manager Tim Orbos, DOTr Sec. Arthur Tugade, MMDA Gen. Manager Tim Orbos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.