Korean na may-ari ng resort arestado dahil sa panunutok ng baril at extortion sa Batangas

By Chona Yu September 15, 2017 - 11:57 AM

 

Photo c/o PNP-CIDG

Arestado ang isang koreano na may-ari ng isang resort matapos ireklamo ng panunutuok ng baril sa Barangay Wawa, Batangas.

Ayon kay Supt. Roque Merdeguia, ang head ng PNP Criminal Investigation and Detection Group Anti-Transnational Crime Unit, nakilala ang suspek na si Song Jiman, may-ari ng Fortune Island resort.

Ayon kay Merdeguia, inireklamo si Song ng mga residente at mga turista ng panunutok ng baril. Bukod dito, sagkot din umano ang suspek sa extortion activities kung saan kapwa mga koreano ang binibiktima.

Bitbit ang search warrant na inisyu ni Judge Agripino Morga ng Regional Trial cCourt ng San Pablo, Laguna, sinalakay ng mga tauhan ng CIDG ang bahay ng suspek kung saan nakuha sa kanya ang isang colt 45 kalibreng baril, mga bala, isang hand grenade, at isang high-voltage portable electric taser na walang kakulang dokumento.

Dinala na ang suspek sa Camp Crame para sa karagdagang imbestigasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.