Nagka-tensyon malapit sa U.S. embassy sa lungsod ng Maynila matapos na magkagirian ang mga pulis at raliyista na binubuo ng mga militanteng katutubo.
Papunta ng U.S. embassy ang mga katutubo pero naharang sila ng mga pulis sa Kalaw Avenue.
Nagpumilit ang mga nagpoprotesta na makalapit sa embahada pero pinigilan sila ng mga miyembro ng Manila Police District.
Pilit na lumusot ang mga raliyista kaya nauwi ang sitwasyon sa tulakan at batuhan.
Dahil dito ay iniharang ng mga pulis ang dalawang sasakyan at umantabay ang isang trak ng bumbero.
Ang protesta ng mga katutubo ay bilang paggunita sa marahas na dispersal sa mga nag-rally sa U.S. embassy noong nakaraang taon at bilang pagtutol sa pakikiaalam umano ng Amerika.
MOST READ
LATEST STORIES