1,000 pulis ng Caloocan Police Station, sinibak sa pwesto

By Isa Avendaño-Umali, Jan Ecosio September 15, 2017 - 10:09 AM

File photo

Sibak sa pwesto ang buong pwera ng Caloocan City Police district.

Ang kautusan ay inilabas mismo ni National Capital Region Police Office chief Director Oscar Albayalde ngayong araw ng Biyernes.

Ito’y kasunod na rin ang sunud-sunod na kontrobersiya na kinakaharap ng Caloocan City Police district, gaya ng pagkamatay ng mga menor-de-edad na sina Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “kulot” de Guzman.

Una nang tinanggal ang lahat ng mga pulis ng Station 7.

Aabot sa isang libong pulis ang aalisin sa pwesto.

Sinabi ni Albayalde na ang mga sinibak na pulis ay sasailalim sa retraining.

Para naman hindi maapektuhan ang serbisyo, sinabi ng NCRPO chief na ang mga personnel mula sa regional public safety battalion ang hahali sa mga nabakanteng pwesto.

TAGS: Caloocan City Police, NCRPO, Caloocan City Police, NCRPO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.