UN iimbestigahan ang itinatayong Russian Military Base sa loob ng Syria

By Denevin Macaranas September 07, 2015 - 03:05 PM

Inquirer file photo

Makikialam na ang United Nations Security Council kaugnay sa report na nagtatayo ng Military Base ang Russia sa loob ng Syria.

Nauna nang sinabi US Secretary of State John Kerry na humingi siya ng dialogue sa kanyang Russian counterpart na si Sergei Lavrov makaraang mamonitor ng isang U.S Intelligence Team ang nasabing balak ng Russian government.

Pero hanggang ngayon ay tumatanggi ang Russia na magbigay ng anumang komento sa naturang isyu.

Ayon sa ulat ng Pentagon, nagpadala ang Russia ng isang portable air traffic control station sa Port City ng Latakia na siyang hometown ni Syrian strongman Bashar al-Assad.

Nauna na ring namonitor ng US Defense Department ang pagpapadala ng Russia sa Syria ng mahigit sa isang libong mga prefabricated housing para sa mga sundalo bukod pa sa military training na ibinigay sa mga tapat na sundo ng Syrian government.

Hindi pa rin makumpirma hanggang sa ngayon kung ang nasabing mga military hardwares at tropa ay gagamitin ba laban sa ISIS o sa Syrian rebel groups.

Sa isang panayam sinabi ni Kerry na hindi katanggap-tanggap ang hakbanging ito ng Russia dahil magdudulot lamang ito ng mas malalang kaguluhan sa Syria.

Posible rin ayon kay Kerry na mas lalo pang madagdagan ang bilang ng mga refugees na tatakas palabas ng naturang bansa.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.