NoKor muling nagpakawala ng missile

By Isa Avendaño-Umali September 15, 2017 - 08:46 AM

File Photo

Muling nagpakawala ang North Korea ng isang hindi pa tukoy na missile ngayong araw ng Biyernes (September 15).

Ayon sa South Korea military, ang missile ay mula sa Sunan district, Pyongyag patungo sa direksyong pa-eastward o pasilingan.

Inaalam na ng South Korean at U.S. militaries ang detalye ng missile launch.

Subalit sa ulat ng Japan NHK Televison, ang missile ay lumipad sa bahagi ng Japan.

Nagpatawag na ang presidential Blue House ng South Korea ng National Security Council meeting.

Ang missile launch ng NoKor ay nangyari makalipas ang ilang araw mula nang magbanta ang bansa na pahihinain ang Japan at isadlak ang Amerika sa “ashes and darkness.”

Ito’y dahil sa pagsuporta ng dalawang bansa sa isang resolusyon ng UN Security Council ukol sa pagpapataw ng mga bagong sanction laban sa NoKor kaugnay sa September 3 nuclear test nito.

Matatandaan din na ang NoKor ay naglunsad ng ballistic missile noong August 29 sa bahagi ng Hokkaida Island ng Japan, at bumagsak sa Pacific ocean.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: north korea, south korea, north korea, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.