US Pres. Donald Trump, bibisita sa ilang bansa sa Asya
Bibisita si United States of America President Donald Trump sa Japan, South Korea, at China sa darating na Nobyembre.
Ito ay para sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC conference.
Maaaring maisingit din ng chief executive ng Amerika ang biyahe patungong Vietnam.
Gayunman, hindi direktang kinumpirma ni Trump kung siya ay tutungo rin sa Pilipinas.
Ayon kay Trump, naimbitahan siya para sa U.S.-ASEAN summit sa Pilipinas, pero hindi pa raw siya tiyak sa kanyang attendance.
Ang Pilipinas ang host country ng 50th ASEAN summit.
Noong Abril, inihayag ni U.S. Vice President Mike Pence na dadalo raw si Trump sa summits at Vietnam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.