Alert level sa Mount Agung sa Indonesia, itinaas

By Rhommel Balasbas September 15, 2017 - 04:15 AM

 

Dahil sa muling pagpapakita ng abnormalidad sa tectonic at volcanic activities, muling itinaas ang alert level sa Mount Agung volcano sa Indonesia.

Ayon sa National Disaster Mitigation Agency, itinaas ang alert level mula normal to vigilance.

Dahil dito, pinalalayo ang mga residente at mga turista tatlong kilometro mula sa bunganga ng bulkan.

Nasa 1, 100 katao ang nasawi noong huling sumabog ang bulkan taong 1963.

Pinaiiwas naman ang publiko sa pagpapanic at tiniyak ng ahensya na sakaling lumala ang aktibidad ng bulkan ay itataas din naman ang mga alert level.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.