Mga sangkap at gamit sa paggawa ng pampasabog, nadiskubre sa Naga City

By Kabie Aenlle September 15, 2017 - 02:17 AM

 

Sinundan ng pulisya ang tip sa kanila ng isang residente, na nauwi sa pagkakadiskubre nila sa mga sangkap at gamit sa paggawa ng improvised explosive device sa barangay Concepcion Pequeña, Naga City.

Natagpuan ng mga pulis ang mga nasabing kagamitan malapit sa isang bahay ng suspek na hinihinalang konektado sa New People’s Army, tatlong araw bago ang pagtatapos ng pista ng Our Lady of Peñafrancia.

Ayon kay Naga City police director Senior Supt. Jonathan Panganiban, tinimbrehan sila ng kapitbahay ng suspek matapos nitong maikwento sa inuman noong nakaraang linggo na gumagawa siya ng bomba.

Nakilala ang suspek na si Dominador Alcantara, na may-ari ng tahanan malapit sa madamong lugar kung saan nakita ang tatlong bote ng gin na naglalaman ng gasolina, iba’t ibang pako, mga bubog, at dalawang piraso ng bala ng cal. .45 na baril.

Nakumpiska rin ng mga pulis ang isang “computerized letter” para sa isang Ka Domeng at Ka Josephine mula sa isang Ka Benny.

Nang halughugin naman ang bahay ni Alcantara, nakarekober ito ng cal. .22 na revolver na naglalaman ng anim nabala, isang sumpak at isang plastic na puno ng fertilizer.

Sa ngayon ay hawak na ng pulisya si Alcantara habang patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.