Intel fund ng AFP, dapat dagdagan – Trillanes

By Kabie Aenlle September 15, 2017 - 01:23 AM

 

Naniniwala si Sen. Antonio Trillanes IV na dapat mas malaking intelligence fund ang maibigay sa Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa mas malaki nitong responsibilidad sa pagsugpo ng terorismo sa bansa.

Ayon kay Trillanes, dapat ma-realign ang ilang bahagi ng P500 milyong intelligence fund na inilaan sa Philippine National Police (PNP) sa AFP dahil ito ang may hawak sa mga isyu ng national security.

Dagdag ng senador, naliliitan siya sa inilaan sa AFP at iginiit na wala itong mararating lalo na’t may mga kinakaharap na sitwasyon ng Philippine Navy, at may gulo pa sa Marawi City.

Sinang-ayunan rin ito ni Sen. Panfilo Lacson dahil naniniwala siyang kailangan ng mas maraming intelligence information ng AFP at kulang ang pondong inilalaan para sa kanila.

Para sa susunod na taon, nag-panukala ang Department of National Defense (DND) ng P195,476,460 na pondo.

Kabilang na dito ang P1.5 bilyong halaga ng intelligence fund at karagdagang P225.61 milyon na inaprubahan ng Department of Budget Management.

Ikinalugod naman ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang mga opinyon ng mga senador tungkol sa kanilang pondo.

Ani Lorenzana, hindi na sila humihingi ng karagdagan pang pondo dahil kaya naman ng AFP na gawan ng paraan ang kanilang tungkulin base sa kung ano ang mayroon sila.

Gayunman, kung may ma-realign man aniya na pondo sa kanila ay malugod nila itong ipagpapasalamat.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.