1 patay, higit 30 sugatan sa banggaan ng bus at truck sa SLEX

MapPatay ang isang lalaki at aabot sa mahigit 30 ang nasugatan sa banggaan ng isang pampasaherong bus at truck sa South Luzon Expressway (SLEX) sa bahagi ng San Pedro Laguna kaninang madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Jonathan Fagurin, na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan matapos maipit sa loob ng bus.

Ayon sa driver ng truck na si Maylo Batoon, papalabas siya mula sa lay-by nang bigla siyang banggain ng rumaragasang bus.

Pero iba ang bersyon ng bus driver na si Benito Antig. Ayon kay Antig bigla na lamang huminto ang trak sa kaniyang harapan at hindi man lamang ito gumamit ng signal lights.

Ayon naman sa isa sa mga pasahero ng bus, nakatulog ang driver ng bus na naging dahilan ng aksidente.

Naganap ang aksidente alas 12:00 ng hatinggabi at ayon sa SLEX command center alas 2:00 ng madaling araw nang maialis sa lugar ang mga apektadong sasakyan.

Read more...